Napakahalaga ng mga camps at retreats sa paghubog sa pananampalataya ng maraming kabataan. Sa katunayan, isinuko ko ang buhay ko sa Panginoon nang ako ay piliting dumalo sa isang youth camp. Doon ko naramdaman at naranasan ang pag-ibig ng Diyos. Dahil malapit na ang summer vacation, nais kong magbahagi ng ilang bagay kung paano magiging epektibo at magkaroon “long-term effects” ang inyong gagawing camp/retreat. Kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod.
PURPOSE AND POINT OF THE CAMP. Gustong-gusto ng maraming kabataan ang magpunta sa mga camps sa iba’t ibang kadahilanan. Ang iba, gusto lang “sumilay” sa mga cute na dadalo. Ang iba naman ay walang magawa sa bahay kaya sumasama na lang. Ang iba, nagtatanong kung may swimming pool, mountain climbing o “zip line” na puwede nilang mag-enjoy. A Christian youth camp must be Christ-centered. By nature, hindi ito purely recreational. Kailangan silang mailubog sa mga espiritwal na gawain. Mas dapat na mangingibabaw sa atin ang mailapit sa Panginoon ang mga dadalo. Ano ang gusto ninyong mas pag-usapan ng mga kabataan pagkatapos ng camp: ang ganda ng mga “laro” at “facilities” ng campsite o ang kanilang relasyon kay “Cristo”? PLACE. This can be a “make or break” factor. Minsan, sa sobrang pagnanais na maging “cool” ang pagtitipon, natuon sa recreation ang okasyon. Babalik tayo sa unang prinsipyo. Find a place where your youth can experience “stillness” and “peace”. Masyadong maingay ang mundo kaya kailangang sanayin sila sa katahimikan kung saan maririnig nila ang tinig ng Diyos. Scout for campsites and reserve the place in advance para hindi na makipag-unahan sa maraming nagpapatala tuwing peak season. Kung nais ninyong maganda ang lugar subalit malaking isyu ang halaga, ilagay na sa kalendaryo ng iglesya ang camp para mapaghandaan ng mga kabataan at sila ay makapag-ipon.
PEOPLE AND STAFF. Sino ang magiging counselors and staff? A camp counsellor, must be a maturing Christian and has a heart for the young people. They must be models of faith and integrity. Kailangang physically fit din sila. To some extent, maaaring silang mamamayat sa panahon ng camp dahil may mga pagkakataong sila ang unang magigising sa umaga at ang huling matutulog sa gabi. Hindi sila makakain nang maayos dahil laging mayroong kailangang gawin.
Importante: mag-ingat sa pagtatalaga ng high school students bilang camp counselors. Dahil dumadaan pa sila sa napakaraming pagbabago (physical, emotional, intellectual, spiritual), maaring maka-apekto iyon sa kanilang trabaho. Puwedeng sila pa ang maging sakit ng ulo.
Sino ngayon ang qualified? Maaaring kumuha ng mga subok na sa pananampalataya sa iglesya katulad ng mga magulang o elders sa simbahan. O kaya, naman ay pumili ng mga college students na nagpapakita ng kaseryosohan sa pananampalataya at nagsisilbing ehemplo para sa mga nakababatang campers.
PROGRAM. Importanteng maayos ang programa para sa lahat ng dadalo. You can categorize the campers according to their spiritual commitment (i.e. unbeliever, new believers, potential leaders). Makakatulong ito upang maging akma ang inyong mga activities para sa kanila. Make sure that your camp is “beefed up” with spiritual food that can strengthen the spiritual life of young people. Ibig sabihin, lahat ng sayawan, laro, musika at gawain ay dapat nakatuntong sa Salita ng Diyos upang mas lalo nilang makilala ang Diyos. Halimbawa, bago sila kumuha ng pagkain, kailangan nilang i-memorize at i-recite sa harap ng kanilang assigned camp counselor ang memory verse para makakuha sila ng meal stub.
Hindi rin dapat mawala ng rules and regulations sa loob ng campsite. Asahang may mga “pasaway” sa ganitong pagtitipon—iyong mga nagliligawan at humihiwalay sa karamihan, nagdadala ng sigarilyo at beer sa kanilang cooler. Ituro sa kabataan ang disiplina at paggalang sa maykapangyarihan.
Most importantly, resolve the question, what’s next after the event? You must carefully plan for your post-camp programs. Don’t forget to challenge the campers to elevate their spiritual commitment before the camp ends. Kaya, mahalagang may discipleship program ang iglesya para sa mga bagong mananampalataya.
PRAISE/WORSHIP AND PRAYER. Buhay na buhay ang camp kung maayos at puspos ng Banal na Espiritu ang pagpupuri at pagsamba sa Panginoon. Kapag natutunan ng mga kabataan ang magpuri at umawit sa Panginoon sa isang seryoso at personal na paraan, siguradong mapapabilis ang kanilang paglagong espiritwal. When they praise and worship God, they DIRECTLY relate with God. Doon mas umiigting ang kalapitan nila sa Diyos. Napakahalaga ng papel ng mga nagpapakanta sa bagay na ito. A worship team should be composed of people who are foremost worshippers. Hindi ito usapan ng galing sa pagtugtog o pag-birit sa kanta, kung hindi ng puso na maglingkod at magpuri sa Diyos.
In addition, pray before, during and after the camp. Kailangang maging mapanalangin ang mga nag-oorganisa. Tandaan natin na hindi sa pamamagitan ng ating lakas at galing magiging epektibo ang camp, kung hindi dahil sa pagsama ng Banal na Espiritu sa ating gagawin. Humiling din ng tulong mula sa mga intercessors ng church.
POST-CAMP EVALUATION. Magkaroon ng evaluation forms na sasagutan ng mga campers bago matapos ang pagtitipon. By nature, youth are lazy answering long survey questions. Kaya, itanong lamang ang mga bagay na makakatulong sa inyo upang matimbang at masuri ang “effectiveness” at “impact” ng pagtitipon sa kanilang buhay. Ito ang rekomendasyon ko na dapat isama sa inyong survey:
· Have you surrendered your life to Christ?- Ito ay para malaman kung sino ang dapat isama sa inyong discipleship program. Mag-assign ng magtuturo sa bawat isa sa kanila. Kung ayaw dumaan sa discipleship process ang isang kabataan, hindi maaaring masabing talagang tinanggap niya si Cristo. By their fruits you shall know them.
· Most unforgettable experience – Ito ay upang malaman kung ano ang mga bagay na nagbigay sa kanila ng magandang karanasan. Malalaman ninyo rin dito kung ano ang mga pamamaraan upang mas lalo nilang maunawaan ang mensahe ng Panginoon. Sa aking karanasan, sa konteksto ng “active learning” madalas natututo ang mga kabataan. Ngunit maari din namang may “impact” sa kanila ang small group, film showing o kaya ay simpleng open forum.
· In a scale of 1-10 (with 10 being the highest), how would you rate the camp? – to give you a general idea kung naging maayos at maganda sa mga dumalo ang camp. As for our ministry, we should get at least an average of 7.5 points para masabing pasado. Maaring isama sa evaluation ang mga speakers, accommodation, pagkain at iba pa.
· Other Comments and Suggestions – May mga bagay na hindi maaring makuha sa mga survey questions. Hayaang sila ang magbigay ng kuro-kuro. Subalit, kailangang suriin ang mga komento. Minsan, repleksyon ng personalidad ng isang kabataan ang kaniyang suhestiyon (i.e. mas maraming games—mula sa isang unbeliever). The camp should be camper-sensitive, not camper-driven. Sa pamamagitan ng evaluation meetings, matututo kayo sa inyong mga kamalian, mapapanatili ang magagandang nasimulan, kaya maari kayong magkaroon ng mga camp traditions.